Sa bagong RA 9006 na inilabas ng COMELEC kung saan pinagre-resign o pinagli-leave ang mga artista sa mga shows nila at mga media sa kanilang mga column, sinoing politico ang mas maapektuhan nito?
Kung Si Gibo Teodoro ang titignan isa pa lang naman ang nag-indorso sa kanya ang Rivermaya.
Si Manny Villar na kitang-kita sa mga Ads kung sino ang mga artistang sumusuporta sa kanya. Maliban kay Willie Revillame na all out ang supporta at pagi-indorso ni Para Kay Villar ay kasama niya rin sa ganitong adhikain sina Dolphy, Michael V., Manny Pacquiao, Richard Guttierez, at Sarah Geronimo.
Si Bro. Eddie naman kahit kasama sa bottom dwellers ng survey ngayon ay may mga artista’t celebrities rin ang nagi-indorso sa kanya. Andiyan so Gloc 9 at ang boung pamilya ni Gary V.
Samantalang Si Noynoy Aquino, maliban kay Kris at Boy Abunda, andiyan sina Vilma Santos na tatakbo sa Batangas, Sharon Cuneta, Ai Ai Delas Alas, Dingdong Dantes, Marian Rivera, Ogie Alcasid, Regine Velasquez, Anne Curtis, Erik Santos, Bea Alonzo, Gretchen Barreto, Mariel Rodriquez, Sitti, Pooh, Kim Chui, Kris Bernal At Aljur Abrenica. Kung tutuusin mas mahaba ang pila ng mga artista na nagi-iindorso para kai Noynoy. Isama mo pa ng ang buong network ng ABS-CBN na hindi naman maikakaila na suportado ang kampanya ni Noynoy.
Sa isang linggo na ipapatupad ang RA 9006 at may ilang senaryo na ang naglalaro sa isip ko ngayon. Kung lahat ng mga artistang ito ay magre-resign o magli-leave sa kani-kanilang shows at dedepende nalang sila sa mga kandidatong iiindorso nila kakayanin kaya ng mga kanidato na suportahan naman ang kabuhay ng mga artistang ito?
Sabihin na nating yung iba ay pinili nilang iindorso ang isang kandidato dahil talagang naniniwala siya rito at libre lang ang gagawin niyang serbisyo, hindi parin lahat ay kayanng iwana ang kanilang mga shows at trabaho. Tulad na lang ng mga artistang may mga primetime teleserye sa tv. Hindi sila basta-basta makakapag-leave ng ganun na lang.
Naiisip ko rin, todo ang ssuporta ng ABS-CBN kay Noynoy Aquino, ngayong meron RA 9006, paano na? bibitiw sila sa suporta, na malamang ikakagalit ni Kris kasi malaki ang utang na loob ng mga Lopez kay Cory dahil sa pagbalik sa kanila ng ABS-CBN. O nagsasara muna sila pansamantala ng apat na buwan? O di kaya dahil marami naming kaalyado si Aquino sa Gobyerno man o sa Media, gagawa sila ng paraan para mapaikot ang RA 9006 para hindi sila masakop ng batas na ito.
Alin man piliin ng ABS-CBN sa tingin ko hindi papabor sa kanila dahil kahit paano hindi na rin naman ganoon katanga ang mga Pilipino pagdating sa ganitong mga bagay. Malamang din marami na ring Mga Pilipino ang nakakalahata sa mga ganitong bagay. Kaya lang takot magsalita dahil marami silang kakilala ng avid fan ni Noynoy Aquino na hinid irerespeto ng kanilang opinion at pananaw pagdating sa karumihan ng stratehiya ng Liberal Party at ng Campaign Group ng mga Aquino.
Naalala ko tuloy noong sumakay kami ng eroplano, nakasakay naming si Pinky ata yun, Kapaitd ni noynoy. Hindi pa panahon ng kampanya yoon pero namimigay siya ng picture sa mga flight stewardess at attendant ng eroplano. Sa tingin ko Picture yun kasi kulay dilaw na photo paper yun at andoon ang litrato ng pamilya nila.
Kahit sila mismo kinokontra ang mga adhikain at mga bagay na gusto nilang Labanan. Malabo.
No comments:
Post a Comment