Gusto kong bumili ng straw. medyo nahihirapan kasi akong uminom sa baunan ko ng tubig kung maya't maya e bubuksan ko ang takip niya at tutunggain ko ang laman niya. Mas madali kung may straw. Tutal usapang straw naman, parang katulad ng pag-sipsip ni Noynoy sa kinang ng EDSA I. Naiisip din kaya niya at ng LP ang naisip ko?
Pinag-isip ko tuloy talaga kung dapat bang angkinin ng mga Aquino ang tagumpay ng EDSA Uno (yung "Uno" pauso lang ng lolo ko). Para kasing napakalaking kalokohan kung ili-link ng mga Pilipino ang EDSA I sa mga Aquino. Tapos sobra pa ang paggamit at pagma-magnify ng EDSA I celebration.
Kung tutuusin yung programa nila sa Araneta Center na may pamagat na P.A.Y (di ko alam ibig sabihin, narinig ko lang doon sa pa-cool kong classmate)hindi para sa selebrasyon ng EDSA o ng People Power. sa Tingin ko Political Rally yun. Ginamit lang nila ang mismong araw na anibersaryo ng EDSA Uno at ilang sound bites galing doon, kasi mabenta sa mga Pilipino.
Naitanong ko tuloy kay Lolo kung noong mga panahaon ba na iyon e may nagpunta sa EDsa na kahit isang Aquino, meron naman daw, napahiya tuloy ako, Pero si Butch Aquino. Kahit daw mismo si Cory ay wala sa EDSA habang nagaganap ang makasaysayang EDSA I.
Yung kaibigan ng nanay ko na dting rallyista sa panahon ni Marcos ay nagsabi na parang isang produkto na lang ang EDSA kasi may brand na daw ito ng AQUINO. Masakit para sa kanya na ginagamit ang EDSA para lang manalo si Noynoy, kasi nga naman dahil kakaibang tapang ang ipinakita ng mga Pilipino noon para lang ipaglabana ng karapatan nila, tapos dahil lang malaki ang utang na loob ng mga Pilipino sa mga magulang niya dahil sa mga nagawa nito sa Pilipinas, e pwede ng gamitin ni Noynoy ang EDSA bilang tiket papuntang Malakanyang. All access pass, kumbaga.
Hindi ko alam kong manggagamit talaga si Noynoy o wala na silang ibang kayang gawin kampanya base sa mga nagawa at kaya niya gawin. Mahirap talaga yun dahil kahit sila walang makikita.
No comments:
Post a Comment