Monday, March 8, 2010

Team Ruffa or Team Kris?

Kung ang cup of tea nga napupuno si Ruffa Guttierez pa kaya?

Sa apgpa-power tripping ni Kris sa The Buzz noong linggo hindi na kinaya ni Ruffa ang weekly habit ni Kris na barahin siya. Hindi ako masyadong nanonood ng The Buzz o SNN o kahit na anong may programang andoon si Kris Aquino. Masyado kasi akong bias kaya ayoko siyang makita o marinig man lang. Kasi kahit sa boses yung sincerity di mo mahagilap e. Sacarsm lang at yabang ang traceable sa Mukha at boses nitong si Kris.

Nalaman ko lang itong isyung ito dahil doon sa katulong namin na nagkwekwento kagabi. Ayon hinanap ko tuloy sa youtube.

Hindi ba dapat kung aalis ang isang tao sa isang lugar at least bigyan may lang siya ng maganda farewell churva? e sa ginawa ni Kris Aquino na ipagduldulan kay ruffa ang pagkakaiba ng dos sa singko ay hindi maganda at walang delikadesang sistee ni Kris.

E, Bakit nakasama si Noynoy?

E bakit hindi?
Unang-una, kapatid niya si Kris at tumatakbo siyang Presidente. Malamang highlighted lahat ng gagawin ng kahit na sinong konektado sa kanya. Lalo na kung ang kapatid mo ay magkakaroon ng verbal diarrhea.

Pangalawa, dahil malakas si Kris sa dos dahil sa Nanay nila, noon pa man may ere at bisyo na niyang magpower trip. Ngayon dahil Malakas si Noynoy sa ABiaS-CBN at suportado ng dos at winnable daw ito sa eleksyon, mas grumabe ang POWER-TRIPPING ni Kris at pambu-bully niya sa mga artista. Asta ay parang parang may naicontribute na siya para pagandahin ang industriyang nagpapakain sa kanya.

Huli, isang representasyon ni Noynoy si Kris, ayaw man nilang aminin na nakikinabang ang kampanya ni Noynoy sa popularidad na nakukuha nito.

Kampo ni Ruffa
Yung sinabi ni Annabel Rama, maraming mga artista ang sa tingin ko gusto magsabi noon kay Kris di lang nila magawa.

At hindi porket siya si Kris Aquino ay pwede na siyang makalusot sa mga ganitong ugali niya. Hirap kasi sa atin sinasabi nitang " E si Kris yan e, either you love he or not" parang binibigyan justification pa ang ginagawa niyang hindi tama.

video

Sa balita naman, nagsorry naman daw si kris (pero tulad ng dati, nakataas dalawang kilay) LOL.

No comments:

Post a Comment