Noon madaming nagbibigay ng malisya at kung ano-anong isyu tungkol sa mga commercial na naka-linya sa eleksyon sa darating na Mayo ngayong Taon. Madaming batikos, madaming binatikos at madaming umalma sa mga "infomercials" ng mga gustong tumakbo para maging Preisdente.
Kunng noon hindi halos tanggap ng madla ang ginagawa na ito ng mga pulitiko dahil sa maaga pa at matagal pa ang eleksyon, ngayon ay nag-iba na ang ihip ng hangin. Ngayon ang mga ganitong commercials ay inaanyayahan na.
BAKIT?
Dahil hindi lamang pangalan nila ang ipinapatanda nila sa publiko kundi ang mismong eleksyon.
May umuugong na balita na dahil sa ganid at pagkahayok ni Gloria sa kapangyarihan, gagawa ito ng paraan para hindi matuloy ang eleksyon. Madami na ang nangangamba na hindi nga matutuloy ang inaasam ng marami na eleksyon para mapalitan na ang kasalukuyang liderato ng bansa.
Kaya ang informercials ng mga kandidato ngayon ay para na ring isang tawag na maging bigilante ang mga mamamayan upang maituloy ang eleksyon. Ito'y patunay na kahit ano man ang mangyari kailangan ng bitiwan ni Gloria ang posisyong naging daan para maging pahirap ang madaming Piipino.
No comments:
Post a Comment