http://www.youtube.com/watch?v=DK061zRBPqk
Napaka-Nationialistic nitong bagong TV ad ni Noynoy Aquino no? parang ni-lay out niya kung ano ang gusto niyang mangyari para sa Pilipinas kung siya ang magiging presidente.
Ang Dami-dami niyang gustong labanan, ang dami-dami din niyang gustong mawala, tapos may kasunduan pa siyang kasama tayong lalaban kasama niya. Its a call to arms in this hard times. Bravo! Senator Aquino.
So Paano natin lalabanan ang lahat ng ito?
I mean any Doable plans para ma-achieve ito?
Kahit yung step by step lang?
Kasi kung puro Idealism at Call for Change lang ang gagawin natin, habang sinasabi na "empowering the people" edi parang hangang salita lang yun di ba?
Without any doable and concrete plan to move this country forward, lahat ng sinabi ni Senator Aquino, kahit ga'nu pa ito makabayan, ay mga salita lang itong simambit at inilista sa hangin.
Hangang Kelan tayo dapat kumapit sa ganitong pag-asa?
Pag-asang si Noynoy ang gagawa ng paraan para yumaman ang bawat isang pilipino? Paano yun? paano niya mapapayaman ang mga pilipino e hindi naman niya alam paano maghirap?
Halos lahat naman ng tatakbo sa pagka-presidente nangangakong papagaanin ang buhay ng mga pilipino pero at least yung iba may paraan sila para gawin yun.
E si Senator Aquino? pangako lang ang inilabas, saka ang pinaka-ultimate promise niya ay: " Nangangako ako sa Diyos at Bayan, HINDI AKO MAGNANAKAW."
So, lahat ng mga hindi magnanakaw pwede naring maging presidente?
Hindi siya magnanakaw, pero hindi din siya kikilos.
tandaan: PROMISES ARE MEANT TO BE BROKEN.
No comments:
Post a Comment