Sunday, January 17, 2010

Ang Proweba ng pagiging Bias

Hindi nakapagtatakang ulanin ng batikos si Presidentiable Manny Villar. Ako man ang kalaban niya ay gagawin ko din ang hindi patas na taktika ng kabilang kampo para lang mawalan tiwala at boto si Senador Villar. Marahil takot sila sa kakayanan ng senador na maipanalo ang eleksyon na ito kaya hanggat may maibabatong paninira ay gagawin nila.

Malamang sa malamang ito ang dahil kung bakit pilit na bunubuhay ang C5 isyu. Dahil nga naman wala na silang ibang kayang ipuna kay Villar.

Nakakapagtaka lang, bakit nila pilit bunibuhay ang C5 pero ang SCTEX na di hamak na mas kaintr-intriga e puros papuri ang inilalabas, kung hindi man e pilit pinapatay ang usaping ito na apektado ang mga magsasaka ng Hacienda Luisita.

Subukan ninyong pansinin, ang ABS-CBN madalas, lalo na sa TV Patrol, magagandang bagay ang inilalabas nilang balita at minsan yung mga panget na balita tungkol kay Noynoy ay inaanguluhan nila kung saan si Noynoy ang api at kawawa.

Pero sa Ibang kandidato, lalo na si Villar kung gisahin ni Ted Failon e parang ganun ganun nalang.

Napansin ko lang, bakit ang kampo nila Gibo at Gordon, na kung tutuusin ay ang mga kompetisyon talaga ni Villar sa pagkapresidente e hindi gumagawa ng maduming laro ng pulitika katulad ng ginagawa ng kampo ni Aquino? Kung titignan kasi natin ng maigi sila Gibo, Gordon at Villar lang talaga ang may tsansa na maglaban-laban dahil kahit paano silang tatlo lang ang may napatunayan at may kakayanan gawin ang mga lumalabas sa bibig nila.

Bakit hindi kaya muna intindihin ng mga Pilipino ang tungkol sa C5 extension. nahanap ko itong link na ito para naman gawing patas ang laban:
http://www.mannyvillar.com.ph/files/C5%20PRIMER_MEDIA_52109_PRINTABLE.pdf

kahit i-google niyo makikita niyo agad ito.

Mas maganda kasi kung aalamin muna natin yung dalawang angulong isang istorya kesa yung maingay lang na angulo ang papakinggan...

No comments:

Post a Comment