Tuesday, December 8, 2009

Anong makukuha ni Kris Aquino?

Malaking tulong kung tutuusin si Kris Aquino sa kampanya ni Noynoy, una dahil artista na siya at lahat ng elitista, artista, mga sosyal, feeling sosyal at mga gustong maging sosyal na Masa ay siya lang ang pinakikinggan. Kahit kung tutuusin ang kayabangan, paninira at puro materyal na bagay lang naman ang lumalabas sa bibig ng tao ito.

Pero ano nga ba ang makukuha ni Kris Aquino-Yap dito?

1. Mas pinapakinggan siya ng mga tao ngayon kasi sa tingin ng mga pilipino dahil sa anak siya ni Cory at Ninoy ay magaling na tao na siya.

2. Nabu-bully niya ang mga artista na suportahan sila dahil kung hindi, babanatan niya. Ano ba naman ang dalawang showbiz talk shows nila para di niya gawan ng kung ano-ano isyu ang mga artistang hindi pumanig sa kanila. Tapos feeling niya superior siya sa mga ito. parang narinig ko tuloy yung linya niyang " i'm sure gusto mo akong maging friend, A-ha, a-ha, a-ha!".

3. pagnagkataon na hindi pa kasal si Noynoy kay Shalani at naging pangulo ang abnoy niyang kapatid, may posibilidad na siya ang first-lady..."Ang saya-saya naman nun bhhhoooyyyy...."

4. Mas dumami ang endorsements niya ngayong kampanya ni Noynoy. mas bumenta siya kasi imbes na turuang maging intelligent voters ang mga Pilipino e dinadaan nila sa emotional campainging. Ngayong pakiramdam niya napakagaling niyang endorser, hindi naman niya ginagamit yung mga ini-endorse niya. Mas kumikita siya ng malaking pera ngayon.

5. Malakas ang hawak niya ngayon sa mga Lopezes dahil sa utang-na-loob ng mga Lopezes sa nanay niya. Ngayon ginagamit nila iyon para sa kampanya ni Noynoy at mas pa-importante effect pa ang drama niya.

Kung mag-iisip lang talaga ang mga Pilipino at hindi nagpapasilaw sa dilaw na outfit niya sa SNN edi sana mas nakakapag-isip tayong mabuti. isa pa hindi si Noynoy ang sinisimbolo ng dilaw, kundi ang People Power, na sa nakikita ko e ginagamit nilang paraang para sa sarili nilang interest.

Mahal ko si Ninoy. Mahal ko si Cory. Mahal ko ang demokrasyang ipinaglaban nila.
Pero si Noynoy ay hindi si Ninoy. Si Kris ay hindi si Cory at ang lagay ng Pilipinas ay hindi katulad ng lagay natin noon.

Mahal ko si Ninoy. Mahal ko si Cory. Mahal ko ang demokrasyang ipinaglaban nila. Pero hindi ibig sabihin noon ay kelangan kong mahalin ang mga anak nilang hindi pinaniniwalaan.

1 comment:

  1. Harinawa pumara na ang pag-iisip na mapapawi ang ating problemang bayan kung maluluklok ang ANAK na dating di pinapansin, dating walang gawa at paninindigan , sa isang puesto na di nararapat sa kanyang kakayahan at katangian.

    ReplyDelete