Wednesday, January 20, 2010

chat box discussion about Noynoy




I found it open so i took the liberty to post it here...any way my sister won't mind since she's already pissed off by the stupidity of Noynoy Aquino and just want to share it with other people, so that somehow Filipinos will wake up and realize noynoy has nothing to offer.

Transcript na usapan ng kapatid ko at boyfriend niya...[hope they won't get mad]

boyfriend: scary maging president si noynoy 2:53 PM

Melanie: you know why? 2:54 PM

Boyfriend: It's like Kris will rule the Philippines... 2:54 PM



Melanie: sige why? 2:54 PM
i know that...



Boyfriend: at higit pa dun 2:54 PM
he's a puppet



Melanie: exactly... 2:54 PM


Boyfriend: we can believe someone who can't decide something by his self 2:55 PM
himself


Melanie: my points exactly... 2:55 PM



Boyfriend: can't believe 2:55 PM
*
nakakatakot


Boyfriend: Noynoy was elected to the Senate in 2007, after running a campaign that featured an ad with his mother promising “lagot siya sa nanay niya (he will get it from his mother)!” if he was ever to do anything wrong as a public servant. In the last three years, he has quietly made his mark as an active and independent-minded legislator. He led the call for the renegotiation of the Japan Philippines Economic Partnership Agreement (JPEPA), and was one of four senators who voted against its ratification. Roxas was one of the co-sponsors of the treaty. 2:56 PM

nangyari diba? 2:57 PM

he didn't do anything 2:57 PM

at all 2:57 PM

lumabas 2:57 PM

Hindi siya naging yari kay mama 2:57 PM



Melanie: okay... 2:57 PM

well kasi why ko maintindihan kung bakit marami pa ring pilipino despite sa mga katangahan ni noynoy e sinasamba pa rin nila yung kumag na iyon... 2:58 PM


Boyfriend: it's the name 2:58 PM

AQUINO 2:58 PM

wag mo na pasakitin ulo mo 2:58 PM

yun lang 2:58 PM



Melanie: i know... 2:58 PM

Boyfriend: yung katangahan nia ay over shadowed by the greatness of his parents 2:58 PM
kahit na gano pa siya katanga 2:58 PM

laging nakikita yung Aquino 2:58 PM

hindi yung Noynoy 2:59 PM


Melanie: that's a good point... 3:00 PM

paano kapag nawala ng "AQUINO" at noynoy na lang ang matitira? 3:00 PM

hhhhhhhhhhmmmmmmmmmmm... 3:00 PM



Boyfriend: malamang Noynoy Autistic na pangalan nia nun 3:01 PM

A pa din naman 3:01 PM

di na nga lang Aquino 3:01 PM

hahaha 3:01 PM

“I want to make democracy work, not just for the rich and well-connected, but for everybody,” he answered when asked about his governance platform. He segued into a discussion of a couple of his pet peeves: the proliferation of erroneous text books come school opening each year, which he described as a tragedy that he would aim to correct if elected; and, the slow delivery of justice in the country, citing the hidden wealth of the Marcoses as an example. He added that solving these issues require strong political will. 3:01 PM

the Marcoses brought the Philippines a step closer to CA2020's dream... 3:02 PM


Melanie: almost...sayang talaga ... 3:02 PM

then ramos alleviate the country kahit konti after cory did nothing... 3:03 PM


Boyfriend: yes... 3:03 PM

Cory did nothing at all 3:03 PM

if they say the end of Martial Law is the start of freedom 3:03 PM

I say that's bullshit 3:03 PM

dahil when Cory stepped up everything fell to chaos 3:04 PM


Melanie: alam mo parang naisip ko tuloy...kung hindi si cory yung tumayo sa edsa noon to call for people's power, may ibang taong gagawa pa rin noon...nagkataon lang na siya yung gumawa... 3:04 PM



Boyfriend: yeah... 3:04 PM

I wished 3:04 PM

it was someone much more wiser 3:04 PM

yung may alam talaga pano mamalakad ng bansa 3:04 PM

kung evil si Marcos 3:04 PM

sana Good Marcos yung tumayo nun 3:04 PM

para after ng Martial Law ok pa din tau 3:05 PM

Kaso Bobong Marcos yung pumalit 3:05 PM

ahhh 3:05 PM

same lang din pala ng case... 3:05 PM

mana mana lang din pala... 3:05 PM

Cory was forced to be the President when Ninoy Died... 3:06 PM

Noynoy was forced to be the President when Cory died... 3:06 PM

History does repeat it self.. 3:06 PM

alam mo masakit 3:06 PM

ang taas ng winning chance ni Noynoy 3:06 PM

potek 3:06 PM



Melanie: actually the course of noynoy's campaign was the course of cory's... 3:07 PM
parehong pareho... 3:07 PM

yun yung strategy ng camp nila... 3:07 PM



Boyfriend: oo 3:07 PM
magulat ka pag mamamatay na si Noynoy si Joshua naman yung tatakbong president 3:08 PM

pustahan 3:08 PM



Boyfriend: sobrang nakakatakot 3:09 PM

sila yung nagdala at mag dadala pa lalo sa philippines na tinatawag natin SUPER DECILING STAGE 3:09 PM

DECLINING* 3:09 PM


-------- end --------

They have a point diba?

Sunday, January 17, 2010

Ang Proweba ng pagiging Bias

Hindi nakapagtatakang ulanin ng batikos si Presidentiable Manny Villar. Ako man ang kalaban niya ay gagawin ko din ang hindi patas na taktika ng kabilang kampo para lang mawalan tiwala at boto si Senador Villar. Marahil takot sila sa kakayanan ng senador na maipanalo ang eleksyon na ito kaya hanggat may maibabatong paninira ay gagawin nila.

Malamang sa malamang ito ang dahil kung bakit pilit na bunubuhay ang C5 isyu. Dahil nga naman wala na silang ibang kayang ipuna kay Villar.

Nakakapagtaka lang, bakit nila pilit bunibuhay ang C5 pero ang SCTEX na di hamak na mas kaintr-intriga e puros papuri ang inilalabas, kung hindi man e pilit pinapatay ang usaping ito na apektado ang mga magsasaka ng Hacienda Luisita.

Subukan ninyong pansinin, ang ABS-CBN madalas, lalo na sa TV Patrol, magagandang bagay ang inilalabas nilang balita at minsan yung mga panget na balita tungkol kay Noynoy ay inaanguluhan nila kung saan si Noynoy ang api at kawawa.

Pero sa Ibang kandidato, lalo na si Villar kung gisahin ni Ted Failon e parang ganun ganun nalang.

Napansin ko lang, bakit ang kampo nila Gibo at Gordon, na kung tutuusin ay ang mga kompetisyon talaga ni Villar sa pagkapresidente e hindi gumagawa ng maduming laro ng pulitika katulad ng ginagawa ng kampo ni Aquino? Kung titignan kasi natin ng maigi sila Gibo, Gordon at Villar lang talaga ang may tsansa na maglaban-laban dahil kahit paano silang tatlo lang ang may napatunayan at may kakayanan gawin ang mga lumalabas sa bibig nila.

Bakit hindi kaya muna intindihin ng mga Pilipino ang tungkol sa C5 extension. nahanap ko itong link na ito para naman gawing patas ang laban:
http://www.mannyvillar.com.ph/files/C5%20PRIMER_MEDIA_52109_PRINTABLE.pdf

kahit i-google niyo makikita niyo agad ito.

Mas maganda kasi kung aalamin muna natin yung dalawang angulong isang istorya kesa yung maingay lang na angulo ang papakinggan...

Tuesday, January 12, 2010

Hindi ako Magnanakaw! - Noynoy Aquino

http://www.youtube.com/watch?v=DK061zRBPqk

Napaka-Nationialistic nitong bagong TV ad ni Noynoy Aquino no? parang ni-lay out niya kung ano ang gusto niyang mangyari para sa Pilipinas kung siya ang magiging presidente.

Ang Dami-dami niyang gustong labanan, ang dami-dami din niyang gustong mawala, tapos may kasunduan pa siyang kasama tayong lalaban kasama niya. Its a call to arms in this hard times. Bravo! Senator Aquino.

So Paano natin lalabanan ang lahat ng ito?

I mean any Doable plans para ma-achieve ito?

Kahit yung step by step lang?

Kasi kung puro Idealism at Call for Change lang ang gagawin natin, habang sinasabi na "empowering the people" edi parang hangang salita lang yun di ba?

Without any doable and concrete plan to move this country forward, lahat ng sinabi ni Senator Aquino, kahit ga'nu pa ito makabayan, ay mga salita lang itong simambit at inilista sa hangin.

Hangang Kelan tayo dapat kumapit sa ganitong pag-asa?

Pag-asang si Noynoy ang gagawa ng paraan para yumaman ang bawat isang pilipino? Paano yun? paano niya mapapayaman ang mga pilipino e hindi naman niya alam paano maghirap?

Halos lahat naman ng tatakbo sa pagka-presidente nangangakong papagaanin ang buhay ng mga pilipino pero at least yung iba may paraan sila para gawin yun.

E si Senator Aquino? pangako lang ang inilabas, saka ang pinaka-ultimate promise niya ay: " Nangangako ako sa Diyos at Bayan, HINDI AKO MAGNANAKAW."

So, lahat ng mga hindi magnanakaw pwede naring maging presidente?

Hindi siya magnanakaw, pero hindi din siya kikilos.

tandaan: PROMISES ARE MEANT TO BE BROKEN.

Sunday, January 3, 2010

Iba na ang Problema

Noon madaming nagbibigay ng malisya at kung ano-anong isyu tungkol sa mga commercial na naka-linya sa eleksyon sa darating na Mayo ngayong Taon. Madaming batikos, madaming binatikos at madaming umalma sa mga "infomercials" ng mga gustong tumakbo para maging Preisdente.

Kunng noon hindi halos tanggap ng madla ang ginagawa na ito ng mga pulitiko dahil sa maaga pa at matagal pa ang eleksyon, ngayon ay nag-iba na ang ihip ng hangin. Ngayon ang mga ganitong commercials ay inaanyayahan na.

BAKIT?

Dahil hindi lamang pangalan nila ang ipinapatanda nila sa publiko kundi ang mismong eleksyon.

May umuugong na balita na dahil sa ganid at pagkahayok ni Gloria sa kapangyarihan, gagawa ito ng paraan para hindi matuloy ang eleksyon. Madami na ang nangangamba na hindi nga matutuloy ang inaasam ng marami na eleksyon para mapalitan na ang kasalukuyang liderato ng bansa.

Kaya ang informercials ng mga kandidato ngayon ay para na ring isang tawag na maging bigilante ang mga mamamayan upang maituloy ang eleksyon. Ito'y patunay na kahit ano man ang mangyari kailangan ng bitiwan ni Gloria ang posisyong naging daan para maging pahirap ang madaming Piipino.