Tuesday, December 8, 2009

Anong makukuha ni Kris Aquino?

Malaking tulong kung tutuusin si Kris Aquino sa kampanya ni Noynoy, una dahil artista na siya at lahat ng elitista, artista, mga sosyal, feeling sosyal at mga gustong maging sosyal na Masa ay siya lang ang pinakikinggan. Kahit kung tutuusin ang kayabangan, paninira at puro materyal na bagay lang naman ang lumalabas sa bibig ng tao ito.

Pero ano nga ba ang makukuha ni Kris Aquino-Yap dito?

1. Mas pinapakinggan siya ng mga tao ngayon kasi sa tingin ng mga pilipino dahil sa anak siya ni Cory at Ninoy ay magaling na tao na siya.

2. Nabu-bully niya ang mga artista na suportahan sila dahil kung hindi, babanatan niya. Ano ba naman ang dalawang showbiz talk shows nila para di niya gawan ng kung ano-ano isyu ang mga artistang hindi pumanig sa kanila. Tapos feeling niya superior siya sa mga ito. parang narinig ko tuloy yung linya niyang " i'm sure gusto mo akong maging friend, A-ha, a-ha, a-ha!".

3. pagnagkataon na hindi pa kasal si Noynoy kay Shalani at naging pangulo ang abnoy niyang kapatid, may posibilidad na siya ang first-lady..."Ang saya-saya naman nun bhhhoooyyyy...."

4. Mas dumami ang endorsements niya ngayong kampanya ni Noynoy. mas bumenta siya kasi imbes na turuang maging intelligent voters ang mga Pilipino e dinadaan nila sa emotional campainging. Ngayong pakiramdam niya napakagaling niyang endorser, hindi naman niya ginagamit yung mga ini-endorse niya. Mas kumikita siya ng malaking pera ngayon.

5. Malakas ang hawak niya ngayon sa mga Lopezes dahil sa utang-na-loob ng mga Lopezes sa nanay niya. Ngayon ginagamit nila iyon para sa kampanya ni Noynoy at mas pa-importante effect pa ang drama niya.

Kung mag-iisip lang talaga ang mga Pilipino at hindi nagpapasilaw sa dilaw na outfit niya sa SNN edi sana mas nakakapag-isip tayong mabuti. isa pa hindi si Noynoy ang sinisimbolo ng dilaw, kundi ang People Power, na sa nakikita ko e ginagamit nilang paraang para sa sarili nilang interest.

Mahal ko si Ninoy. Mahal ko si Cory. Mahal ko ang demokrasyang ipinaglaban nila.
Pero si Noynoy ay hindi si Ninoy. Si Kris ay hindi si Cory at ang lagay ng Pilipinas ay hindi katulad ng lagay natin noon.

Mahal ko si Ninoy. Mahal ko si Cory. Mahal ko ang demokrasyang ipinaglaban nila. Pero hindi ibig sabihin noon ay kelangan kong mahalin ang mga anak nilang hindi pinaniniwalaan.

Friday, December 4, 2009

Mark Twain's words for Noynoy

Get your facts first, and then you can distort them
as much as you please.

Good breeding consists of concealing how much we think of ourselves and how little we think of the other person.

I don't give a damn for a man that can only spell a word one way.

If you tell the truth you don't have to remember anything.

It is better to keep your mouth closed and let people think you are a fool than to open it and remove all doubt.

When in doubt, tell the truth.

Whenever you find that you are on the side of the
majority, it is time to reform.

It is better to deserve honours and not have them
than to have them and not deserve them.


Tuesday, November 10, 2009

Magsisimula Na....

Malapit na ang eleksyon. Ilang Araw na lang magpapasa na ang lahat ng kandidato ng COC (Certificate of candidacy) at magsisimula na ang kampanya. Mas marami na tayong makikitang Infomercials sa TV. Tatadtarin na ang mga tenga natin ng sandamakmak na jingles at mag-aala fiesta ang kalye dahil sa banners at campaing posters ng lahat ng kandidato na nakasabit sa kung saan saan. Marami rin tayong kakamayan na ngayon lang natin malalaman ang pangalan at ang intension na tumakbo sa politika. Pero ang sigurado sa lahat ay, Lahat ng Kandidato ay mangangako.

Ang dapat na tanong natin sa mga sarili natin ngayon kampanya at sa darating na arawa ng botohan ay kung sino sa mga gusting maging Presidente ang may kakayahang tuparin ang lath ng ipinangako niya?

Parang ganito.

Kung ikaw ay isang may-ari ng kumpanya at naghahanap ka ng manager para pataasin ang sales ng is among branch ( itong plot na to galing sa isang Korean Novela) at may dalawang aplikanteng nakapila. hindi ba dapat pakinggan mo silang pareho at hindi manghusga ng base sa itsura at naririnig na issue tungkol sa kanila?

Kung halos pareho ang nakalagay sa Resume ng dalawang aplikante at ang pinagkaiba lang nila ay ang estado sa buhay, sino ang pipiliin mo:

Ang aplikanteng nagsabing papsok siya sa kumpanya mo araw-araw , walang mintis at hindi makikipagtsimisan o ang Aplikanteng nagpakita ng mga nagawa niya noon para mapalago ang ibang kumpanya?

Ang Aplikanteng na-uudyukan ng mga katrabaho niya sa kung ano ang dapat gawin o ang Aplikanteng alam na ang takbo ng merkado at alam ang dapat gawin?

Ang aplikanteng kilala sa industriya ang mga magulang o ang Aplikanteng dumepnde sa sariling sikap para umangat?

Kung tutusin, sino bang may ayaw sa isang walang bahid na na politiko? Pero katulad ng isang gwapo, magalang, mabait, at responsableng lalaki, hindi sila totoo, kathang isp mo lang ito.

Kung tutuusin sino bang may ayaw sa isang politikong hindi gagawa ng masama? Kaya lang kung hindi siya gagawa ng kahit na ano parang pigura lang siyang inilagay para may matawag tayong presidente. E sino ang gagawa, masama man o mabuti? Malamang sa malamang yung mga taong nag-udyok sa kanya para tumakbo.

Kung tutuusin, lahat naman tayo umaasa sa mga kandidatong ito.

Sana lang hindi maling kandidato ang makakuha ng ating boto.

Sunday, November 8, 2009

Pseudo-Patriotism: No choice but to join in the Hindi ka Nag-iisa Ad

Hindi ka nag-iisa TVC of Noynoy rung hollow in my ear. I expected more from him since his the talk-of-the-town and flavour-of-the-month Presidentiable aspirant. Yet all I saw was the faces of celebrities and star from two opposing Television network.

Well, in real life hindi naman natin talaga sila makikitang may hawak ng sulo at nagmamartsa sa kalye calling for CHANGE.

Then this thought crawled in my vivacious brain of mind regarding this TV ad: Since puro sikat na artista and celebrities ang nasa Ad, are they really for Noynoy Aquino or they have to be because of these reasons:

1. Noynoy is the latest Craze. If, say for example Marian Rivera, (she appears in the TVC anyway) chooses to be on Chiz Escuadero or Gibo Teodoro’s Camp because she actually believes them (syempre andoon din si Dantes along with Rivera, di ba?) They would be labelled as unpatriotic Filipinos, pwede ring sabihin they were paid a large sum to endorse this politician. All of this will strike badly on their career. Masisira sila sa mata ng mga tao at lalo na masisira sila sa mata ng mga fans nilang Pro-Noynoy.

But if they go for Noynoy and his-so-called Change (without tangible plan) and tell everyone that they did it for free, BOOM! Ang ganda ng papel nila sa tao, sa masa na halos sila na ang tinuturing na diyos at lahat ng sassabihin nila ay tama at totoo.

2. We can not take away the fact that Kris Aquino have this huge influence sa Showbusiness n gating bansa kahit na kung tutuusin all she does is talk tactfully and act as if she has all the right to do so. Tipong kapag sinabi ni Kris it’s either True and you have no choice but to believe or its funny and witty and because of that “ I like her na”.

So malamang sa malamang ayaw ng mga artistang ito sa makalaban si Kris kasi yari nga naman sila. ABS-CBN treat Kris as royalty because of Cory(sumalangit nawa) and people thinks Kris is charming. O malaking dagok sa kanilang career (ulit) kung magkakasira sila ni Kristeta…

3. And then there’s Boy Abunda, who pledge his undying support to her BFF, Kris Aquino. And Boy Abunda have a great hold to some of the Actors and actresses that was in the TVC. Talents niya yon e.

So I really doubt that these celebrities really came there and voluntarily did this for free. They did this “Hindi ka Nag-iisa” TV ad because it is called to do so, for their career, for good publicity, for their reputation. Never because they really believe to Noynoy’s capacity to lead.

You see, the TV Ad show mostly their faces, the faces of the MASA or the common people were either blurred or quickly passed by the camera. Their Faces were emphasized to show the viewers that “Your Idol is with me so you should also vote me, too”.

isn't that also TRAPO?