Malapit na ang eleksyon. Ilang Araw na lang magpapasa na ang lahat ng kandidato ng COC (Certificate of candidacy) at magsisimula na ang kampanya. Mas marami na tayong makikitang Infomercials sa TV. Tatadtarin na ang mga tenga natin ng sandamakmak na jingles at mag-aala fiesta ang kalye dahil sa banners at campaing posters ng lahat ng kandidato na nakasabit sa kung saan saan. Marami rin tayong kakamayan na ngayon lang natin malalaman ang pangalan at ang intension na tumakbo sa politika. Pero ang sigurado sa lahat ay, Lahat ng Kandidato ay mangangako.
Ang dapat na tanong natin sa mga sarili natin ngayon kampanya at sa darating na arawa ng botohan ay kung sino sa mga gusting maging Presidente ang may kakayahang tuparin ang lath ng ipinangako niya?
Parang ganito.
Kung ikaw ay isang may-ari ng kumpanya at naghahanap ka ng manager para pataasin ang sales ng is among branch ( itong plot na to galing sa isang Korean Novela) at may dalawang aplikanteng nakapila. hindi ba dapat pakinggan mo silang pareho at hindi manghusga ng base sa itsura at naririnig na issue tungkol sa kanila?
Kung halos pareho ang nakalagay sa Resume ng dalawang aplikante at ang pinagkaiba lang nila ay ang estado sa buhay, sino ang pipiliin mo:
Ang aplikanteng nagsabing papsok siya sa kumpanya mo araw-araw , walang mintis at hindi makikipagtsimisan o ang Aplikanteng nagpakita ng mga nagawa niya noon para mapalago ang ibang kumpanya?
Ang Aplikanteng na-uudyukan ng mga katrabaho niya sa kung ano ang dapat gawin o ang Aplikanteng alam na ang takbo ng merkado at alam ang dapat gawin?
Ang aplikanteng kilala sa industriya ang mga magulang o ang Aplikanteng dumepnde sa sariling sikap para umangat?
Kung tutusin, sino bang may ayaw sa isang walang bahid na na politiko? Pero katulad ng isang gwapo, magalang, mabait, at responsableng lalaki, hindi sila totoo, kathang isp mo lang ito.
Kung tutuusin sino bang may ayaw sa isang politikong hindi gagawa ng masama? Kaya lang kung hindi siya gagawa ng kahit na ano parang pigura lang siyang inilagay para may matawag tayong presidente. E sino ang gagawa, masama man o mabuti? Malamang sa malamang yung mga taong nag-udyok sa kanya para tumakbo.
Kung tutuusin, lahat naman tayo umaasa sa mga kandidatong ito.
Sana lang hindi maling kandidato ang makakuha ng ating boto.
No comments:
Post a Comment