May dala siyang sakong puti at sinisigawan niya yung isang batang nagpupulot at nag-iipon ng plastic cups na ginamit sa kakatapos lang na feeding. “Hoy! Wag niyong kukunin yang mga baso ha! Ibibigay natin yan kay Chairman.” Sigaw ng maliit ng boses sa likod ko.
Siya si Manuel. Payatot katulad ng ibang batang nabahaginan ng creamy sopas sa Feeding caravan ni Senator Manny Villar. Pero iba siya sa ibang batang nakita sa apat o limang beses kong pagsama sa feeding program na iyon.
Kung yung ibang bata ay umalis na ang kaagad pagkatapos nung Feeding Program, si manuel bumalik na may dalang sako, kumuha ng dust pan at naghanap ng walis tingtingpara ipunin ang mga kalat na naiwan noong Feeding.
Iba ang tindig ng batang iyon sa karamihan. May authority, may liderato. Sumunod yung ibang batang maglinis, nagtulungan sila. Yung mga batang ang balak lang e maglaro sa covered court. Yung isa may hila-hila ng basurahang mas malaki pa sa kanya. May kumuha ng dust pan, may nag walis at may mga nagpulot ng basura.
Nasa lima hanggang pitong bata yung naglinis ng isang covered court, maliliit sila pero sandal lang malinis na ulit young court. Maliliit sila pero natapos nila ang trabahong dapat matatanda ang gumawa.
Nagulat ako nung tinanong ko kung anong pangalan nung maliit na batang sumisigaw kanina. Manuel. Manuel, kaparehas ng pangalan nung isang batang taga-tondo rin na nangarap. Isang batang may authority rin ang boses, responsable at may liderato.
Dalawang Manuel, isang lugar, isang pangarap.